-- Advertisements --

Nagtala na ng dalawang panalo ang Magnolia Hotshots sa bagong coach nila na si LA Tenorio sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Tinalo nila ang Titan Ultra 127-119 sa laro ng ginanap sa Smart Araneta.

Bumida sa panalo si Zav Lucero na mayroong 23 points habangmayroong 21 points naman si Ian Sangalang at tig-16 points sina Mark Barroca at Russel Escoto.

Bagamat pinasalamatan ni Tenorio ang mga manlalaro ay nakulangan pa rin ito sa depensa na ipinamalas ng kaniyang mga manlalaro.

Naging malaking hamon para sa Titan ang pagkatalo dahil sa kawalan ng presensiya ni Calvin Abueva matapos na magtala ng injury.

Nasayang naman ang nagawang 28 points ni Joshua Munzon para sa Titan.