Magnolia Hotshots
Magnolia Hotshots/ PBA image

Ginulat ng Magnolia Hotshots ang NorthPort 96-80 sa kanilang paghaharap sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Naging bida sa panalo si Ian Sangalang na nagtala ng 28 points at nine rebounds habang mayroong triple-double si Romeo Travis na 17 points, 12 rebounds at nine assists.

Umarangkada ang Magnolia sa pagpasok ng second quarter kung saan umabot pa sa 31 points ang kanilang kalamangan.

Ayon kay Magnolia coach Chito Victolero, natuto na sila sa kanilang pagkatalo sa unang laro kaya gumawa na sila ng paraan para hinid na maulit pa ito.

Sa ngayon ay kapwa mayroong isang panalo at isang talo ang Magnolia at NorthPort.