CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang maglola matapos masagasaan ng pribadong sasakyan sa Zone 4, Barangay Sinaloc, El Salvador City, Misamis Oriental.

Kinilala ang mga nasawi na sina Niesel Lomboy, 58, at ang apo nito na si Zed Matthew Baogo, 4, habang sugatan naman si Johndel Paul Lomboy, 13, mga residente sa Zone 1, Barangay Quibonbon sa naturang lungsod.

Sinabi ni Master Sgt Jade Embong, investigator ng El Salvador City Police Station na tumatawid sa pedestrian lane ang mga biktima ng mabangga ito ng Isuzu D-Max na minamaneho ni Helegarde De Pedro. Jr., 37, residente ng Iligan City.

Lumalabas sa imbestigasyon na hindi napansin ng driver ang mga biktima dahil madilim ang lugar na pinangyarihan ng aksidente.

Agad namang nilapatan ng lunas si Johndel Paul sa ospital matapos maswerteng nakaligtas.

Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and physical injury laban sa suspect.