Mas pinapaboran ang Milwaukee Bucks na manatiling koponan ni Giannis Antetokounmpo, sa kabila ng lumalaking espekulasyon na maaari siyang ma-trade ngayong offseason.
Ayon sa DraftKings, ang Bucks ang may pinakamataas na tsansa (-140) na maging team niya sa unang bahagi ng 2025-26 season, mas mataas kaysa San Antonio Spurs (+380) at Houston Rockets (+450).
Ang Rockets at Spurs ay itinuturing na posibleng destinasyon ni Antetokounmpo, dahil ang Rockets ay may bagong roster na maaaring palakasin ng isang beterano, habang ang Spurs naman ay may draft picks na maaaring gamitin sa isang trade.
Samantala, ang Toronto Raptors ay lumakas ang tsansa (+1000) matapos lumabas ang ulat na may “mutual interest” sila kay Antetokounmpo sakaling ma-trade siya.
Bagamat mayroon pa siyang kontrata sa Bucks hanggang 2026-27, hindi tiyak ang hinaharap ng koponan lalo na’t injured si Damian Lillard, kaya mahaharap sila sa mahahalagang offseason decisions.