CENTRAL MINDANAO-Patay na nang matagpuan ang magkasintahan ng magbaril sa kanilang sarili sa probinsya ng Cotabato.

Ang mga biktima ay mga estudyante ng University Laboratory School ng University of Southern Mindanao (USM) sa Kabacan North Cotabato.

Ayon kay Kabacan Chief of Police,P/Major Realan Mamon na nakita ang katawan ng mga biktima na naliligo sa kanilang sariling dugo at kapwa may tama ng bala sa kanilang ulo sa bahay mismo ng binatilyo sa Brgy Katidtuan Kabacan Cotabato.

Bago nagpakamatay ang magkasintahan napansin umano ng mga kaklase nito na may tampuhan ang dalawa dahil sa personal na problima sa kanilang relasyon.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa pamilya ng mga biktima habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang pangyayari.