Nanawagan si Maginhawa community pantry organizer Patricia Non sa mga politiko na huwag gamitin ang nasabing pantries sa kanilang pangangampanya.

Sinabi nito na maganda ang hangarin ng community pantry at magiging negatibo lamang ito kapag nahaluan na ng pamumulitika.

Tumatanggap aniya sila ng mga donasyon sa mga politiko pero nararapat lamang na huwag ng ibandera ang kanilang pangalan sa mga ipinapatayong community pantry.

Tinatanggal aniya nila ang mga nakadikit na pangalan ng mga politiko para hindi na ito mahaluan ng kulay pulitika ang nasabing community pantry.