kyrie irving Brooklyn Nets
-- Advertisements --

Na-upset ng Orlando Magic ang powerhouse team na Brooklyn Nets sa score na 121-113.

Napigilan ng Magic ang pagtatangkang makahabol sa fourth quarter ng Brooklyn kung saan nasayang ang ginawa ni Kyrie Irving na season-best na 43 points.

Tinuldukan din ng Magic (14-27) ang kanilang nine-game losing streak, habang dinungisan nila ang six game winning streak ng Nets.

Nanguna sa diskarte ng Magic si Aaron Gordon na may 38 points, 6 rebounds at 4 assists.

Habang si James Harden ay inalat na nagpakita lamang ng 19 points para sa Brooklyn (28-14).

-- Advertisement --

Si Kevin Durant naman ay hindi pa rin nagbabalik sa paglalaro dahil sa injury.