Naglabas ng sama ng loob si dating Los Angeles Lakers president Magic Johnson mahigit isang buwan ng ito ay magbitiw sa puwesto.

Sinabi ng NBA legend, na kaya siya nagbitiw sa puwesto ay dahil na rin sa paghihikayat ng kanilang general manager na si Rob Pelinka.

Dagdag pa nito na may mga negatibong komento pa itong pinagsasabi sa mga kaibigan niya.

Nauna rito noong Abril 9 ay nagbitiw si Johnson ilang minuto bago ang pagtatapos ng regular season.