MMFF logo

Pormal nang inanunsyo ang “Magic 8” ng 45th Metro Manila Film Festival na ipapalabas sa Disyembre.

Pasok sa listahan ang mga pelikulang:
-The Mall, The Merrier nina Anne Curtis at Vice Ganda
-Mindanao, na pinagbibidahan ni Judy Anne Santos
-Miracle in Cell No. 7 nina Aga Muhlach at Bela Padilla
-Sunod, na pinagbibidahan ni Carmina Villaroel
-Culion nina Iza Calzado, Meryll Soriano at Jasmine Curtis-Smith
-Write About Love ni Rocco Nacino, Miles Ocampo, Joem Bascon at Yeng Constantino
-3pol Trobol nina Coco Martin, Jennylyn Mercado at Ai Ai delas Alas
-Mission Unstoppable nina Vic Sotto at Maine Mendoza

Bukod sa mga pelikulang aabangan, inanunsyo na rin ng MMFF board ang ruta sa Parade of Stars.

Ibinida rin ng organisasyon na magkakaroon na ng MMFF Summer Edition.