-- Advertisements --

Inilabas na ng mag-asawang Senador Raffy Tulfo at Cong. Jocelyn Tulfo ang kanilang joint Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), kung saan lumalabas na aabot sa P1,052,977,100 ang kanilang kabuuang yaman as of December 31 2024. 

Batay sa certified true copy ng SALN na inilabas ng tanggapan ni Senate Secretary Atty. Renato Bantug Jr., walang idineklarang utang o liabilities ang mag-asawa. 

Sa parehong dokumento, aabot sa P376.8 milyon ang kabuuang halaga ng mga real properties ng senador at kongresista kabilang ang isang residential, walong agricultural, at dalawang residential lots — kung saan ang pinakamahal ay ang residential house and lot na umaabot sa halagang P160 milyon na binili 2020. 

Samantala, aabot naman sa P676.1 milyon ang  ang halaga ng mga personal na ari-arian ng mag-asawang Tulfo.

Kabilang dito ang 21 mga sasakyan, tatlong bank accounts mga alahas at mga damit na umaabot ng milyong piso. 

Base pa sa SALN, May tatlo ring negosyo ang mag-asawa  kung saan sila ay tumatayong presidente at directors o stockholders. 

Ipinahayag din sa dokumento ang mga kaanak ni Tulfo na nasa gobyerno, kabilang ang kanyang asawa at anak na kapwa kongresista, 4 pang kaanak na nagta-trabaho sa kanyang opisina at si Erwin Tulfo na dating kongresista at ngayon ay nagsisilbing senador.