Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO – Dalawa katao ang nasawi at isa ang sugatan sa pananaksak sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang mga binawian ng buhay na sina Danilo Victorino, 66, maybahay nito na si Adelina Victorino, 63, habang sugatan naman si Nowie Mayoga, 41, pawang mga residente ng Brgy Mao Datu, Abdullah Sangki, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng PNP-BARMM na bigla na lamang dumating sa tahanan ng mga biktima ang suspek na si Alfred Paz.

Pero walang sabi-sabi ay bigla na lamang inundayan ng saksak ng suspek ang mag-asawa at si Mayoga.

Mabilis namang tumakas si Paz sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Datu Abdullah Sangki.

Nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang mag-asawa at on the spot na binawian ng buhay habang naisugod sa pagamutan si Mayoga.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Datu Abdullah Sangki PNP sa naturang pangyayari.