-- Advertisements --
Magpapatupad ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng four-day work schedule simula sa araw ng Lunes, Abril 6.
Ang hakbang ay kasunod ng ipinapatupad ng gobyerno ng energy-saving policy.
Magbubukas ang kanilang opisina mula ala-7 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi Lunes hanggang Huwebes.
Hindi naman kasama sa four-day work week ang mga nasa transportation inspectors, 24/7 hotline team at ilang empleyado na may kahalintulad na trabaho.
Magugunitang ilang ahensiya na ring ng gobyerno maging sa Local Government Units ang nagpatupad ng four-day work week bilang bahagi ng energy saving ng gobyerno.















