Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gumagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang hindi magresulta sa pagmahal ng pagkain ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.
Sa pamamagitan ng programang UPLIFT (Unified Project for Low-Income Families and Targeted Support), sinabi ng Pangulo na maagang kumikilos ang administrasyon upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng bigas at matiyak na sapat ang supply nito sa merkado.
Sinisiguro ng Pangulo na ang pagtaas ng presyo ng langis ay hindi magiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng pagkain.
Layunin din ng hakbang na ito na protektahan ang budget at pang-araw-araw na gastusin ng bawat pamilyang Pilipino mula sa epekto ng inflation.
Ayon sa Presidente, prayoridad ng UPLIFT na magbigay ng direktang tulong sa mga sektor na pinakatamaan ng pabago-bagong presyo ng bilihin.










