Naghain ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng tatlong petisyon para sa civil forfeiture o pagbawi ng assets na konektado sa flood control corruption kasunod ng anim na buwang imbestigayson at freeze orders.
Sa isang statement, inihayag ng konseho na saklaw sa petsiyon ang mga asset ng mga indibidwal at entities na nauna nang inisyuhan ng Court of Appeals ng freeze orders.
Hindi naman idinetalye na ng konseho ang mga pangalan o eksaktong halaga ng assets na saklaw ng mga petisyon.
Sa ngayon, pinayagan ng Manila Trial Court ang dalawang pansamantalang asset preservation orders para ma-secure ang monetary instruments at mga ari-arian habang nakabinbin ang mga kaso.
Ayon sa AMLC, ang paghahain ng civil forfeiture ang huling hakbang para matiyak na mabawi ang mga iligal na nakamal na pera na konektado sa anomaliya sa flood control projects.
Sa datos ng konseho, nakapag-freeze na ito ng kabuuang P27.8 bilyon na halaga ng assets na konektado sa umano’y kontrobersiya.
















