-- Advertisements --

Bahagyang bumaba ang bilang ng pasahero sa Batangas Port ng 20% hanggang 30% kumpara noong nakaraang taon, ayon kay Port Manager Aurora Mendoza.

Aniya, isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaba ay ang patuloy na pagtaas ng pasahe at presyo ng petrolyo na mabigat para sa mga biyahero.

Dagdag pa ni Mendoza, bagama’t bumaba ang bilang ng mga pasahero ngayong taon, nananatiling mahalaga ang Batangas Port bilang pangunahing gateway patungong Mindoro, Palawan, at iba pang destinasyon sa Visayas at Mindanao.

Patuloy umano ang koordinasyon ng pamunuan sa mga shipping at bus companies upang matiyak ang maayos na serbisyo at seguridad ng mga mananakay sa kabila ng hamon ng mataas na presyo ng langis.