Matagumpay na nakaliipad na ang Artemis II lunar-mission mula sa Kennedy Space Center sa Florida.
Dakong ala-6:30 ng umaga oras sa Pilipinas ng mag-take off ang Artemis II rocket na layon na makaikot sa buwan matapos ang 50 taon.
Lulan ito ng mga crew na sina Reid Wiseman, Victor Glover at Christina Koch kasama ang Canadian Space Agency na si Jeremy Hansen.
Ito ang unang crewed moon mission na isinagawa mula pa noong 1972.
Layon nito na mahigitan ang naibiyahe ng Apollo program kung saan lalayag ito sa bisinidad ng buwan.
Bago ang paglipad ay naayos na ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang ilang mga aberya na may kinalaman sa SLS rocket’s flight termination system ganun din ang problema sa battery.
May bilis ito na aabot sa 1,235 kilometers per hour patungo sa buwan.
















