Positibong inanunsyo ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang pagdagdag ng tulong asiste na ipapamahagi ng lungsod para sa mga tsuper o jeep na kalahok sa programang libreng sakay.
Sa pahayag ng alkalde, tataasan na ng lokal na pamahalaan ang arawang ‘jeepney subsidy’ simula nitong Martes at susunod na linggo ng Lunes.
Aniya’y ang 3-libo piso halaga ay gagawin ng 3,500 pesos sa mga kabilang sa programa na nakiisa sa libreng pamasahe sa lungsod ng Maynila.
Paliwanag naman ni Mayor Isko Moreno na ito’y nanggaling sa sobra o natipid sa pondo nagkakahalaga ng higit 600-libo piso kung kaya’t maaring dagdagan ang ipinamimigay ng pinansyal na tulong.
Kaya naman aniya’y garantisadong mayroon sapat na kitang maiuuwi ang mga nasa sektor ng transportasyon partikular ang mga tsuper ng jeep sa Maynila.
Makatitiyak umanong mayroon 3,500 ang mga ito, kabilang operators sa mga araw na ipinatutupad ang programa.
Bagama’t inihinto ang libreng sakay ngayong Miyerkules Santo, magpapatuloy naman ito ng tatlong araw sa susunod na linggo ng Lunes.
Dahil rito’y nagpaabot rin ng pasasalamat ang alkalde sa mga nakiisa sa kanilang programang libreng sakay.
Nakapaghatid ito ng higit 600-libong pasahero sa kasalukuyan batay sa impormasyon.
















