-- Advertisements --

Nakakaranas ngayon ng epekto ang mga maliliit na negosyante sa bansa dahil sa krisis Gitnang Silangan.

Ayon sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP), na may ilang mga negosyo ang hirap ng makapagpatuloy ng kanilang negosyo dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sinabi pa ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr., 90 porsyento sa mga negosyo sa bansa ay micro kung saan dumadaing na sila at humihirit ng ayuda.

Umaasa ang mga ito na mapabilang din ang mga ito sa mga ayuda na ibinabahagi ng gobyerno.