Magpapatupad narin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng apat na araw na work week simula Lunes, Abril 6, 2026, bilang bahagi ng energy-saving policy ng gobyerno.
Ayon sa advisory ng ahensya, ang compressed work week ay alinsunod sa Memorandum Circular 114 na inilabas ng Malacañang noong Marso 6 upang makatipid sa enerhiya sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Magbubukas ang opisina ng LTFRB mula Lunes hanggang Huwebes, 7 a.m. hanggang 6 p.m., at walang trabaho ang mga empleyado tuwing Biyernes.
Gayunpaman, ang mga gaya ng transportation inspectors, 24/7 hotline team, ay patuloy parin daw na maghatid ng serbisyo, at iba pang katulad na posisyon ay magpapatuloy sa limang araw na work week upang hindi maantala ang serbisyo publiko.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari lamang daw na makipag-ugnayan sa LTFRB sa kanilang opisyal na social media pages, viber number: 0956-761-0739, o sa Public Assistance and Complaint Desk (PACD) sa pacd@ltfrb.gov.ph o complaints@ltfrb.gov.ph
















