-- Advertisements --

Maaari nang makuha ng mga tsuper na hindi pa nakatanggap ng fuel subsidy ang kanilang payout sa pamamagitan ng pag-rehistro sa QR code.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ganitong paraan hindi na kailangan pang personal na magtungo ang mga tsuper sa tanggapan ng ahensiya para mag-rehistro.

Sa pamamagitan nito, patuloy na makapagbibigay ang ahensiya ng tulong sa mga tsuper at operators sa gitna ng mataas na presyo ng langis na nakakaapekto sa maraming kabuhayan.

Nauna ng inihayag ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na nasa mahigit 245,000 tsuper at operators ng mga pampublikong transportasyon ang makakatanggap ng fuel subsidy sa buong bansa simula sa Marso 24.

Makakatanggap ang mga benepisyaryo ng nasa P1,500 hanggang P10,000 payout depende sa uri ng PUVs.