Handang tumalima si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Atty. Vigor Mendoza II sa kautusan ng Office of the Ombudsman ng suspension order.
Ayon kay Mendoza ay kaniyang nirerespeto ang nasabing kautusan subalit tatalima lamang ito kapag natanggap na nito ang opisyal na kopya ng kaniyang preventive suspension.
Dagdag pa nito na pagkakataon na ito para maipakita ang mga ebedensiya at malinisan na rin ang kaniyang pangalan.
Magugunitang naglabas ang Office of the Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension kay Mendoza at Office of Transport Cooperatives chief Teofilo Guadiz III dahil sa paglabag na may kinalaman sa Stradcom IT System.
Nangyari ito noong panahon pa ni Mendoza at Guadiz bilang chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).















