Inanunsyo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni police Lt. Gen. Camilo Cascolan bilang bagong chief ng Philippine National Police (PNP).
Si Cascolan ang kasalukuyang deputy chief for administration ng PNP, ang pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa loob ng pambansang pulisya.
Nitong araw ng Martes, September 2, magdiriwang ng kanyang ika-56 na taong kaarawan si PNP chief Gen. Archie Gamboa, na siyang mandatory retirement age.
Batchmate noon sa Philippine Military Academy (PMA) Sinagtala class of 1986 sina Cascolan at Gamboa.
Bago naupo bilang deputy chief for administration ng PNP, unang naglingkod si Cascolan bilang director for operations at regional director ng National Capital Region Police Office.
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kumpiyansa sila sa kakayahan ni Cascolan na maiangat pa ang propesyunalismo ng kapulisan.
“The Palace confirms that Police Lt. Gen. Camilo Cascolan has been appointed by President Rodrigo Roa Duterte to be the new Chief of the Philippine National Police effective tomorrow, September 2, 2020,” bahagi pa ng statement ni Sec. Roque. “We are confident that the incoming Chief of the PNP would continue the significant strides made by his predecessors in making the PNP a professional organization worthy of our people’s trust.”
Samantala, may hanggang Nobyembre ng kasalukuyang taon si Cascolan para magsilbi bilang PNP chief.
Nakadepende pa kay Pangulong Duterte kung i-extend niya ang termino ng bagong hepe kapag naabot na rin nito ang kanyang mandatory retirement. — with reports from Bombo Reymund Tinaza