Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sa ilalim ng kaniyang administrasyon patuloy nitong ipaglaban ang soberenya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) na siyang naging polisiya.
Sa nalalabing tatlong taon ng Pangulo sa kaniyang pwesto nais niyang mag-iwan ng marka sa mga Pilipino na hindi nito pinabayaan na angkinin ng ibang bansa ang ating teritoryo.
Sinabi ng Punong Ehekutibo hindi tayo sumuko.
” We did not yield. We continue to protect the sovereignty of the Republic. We continue to defend the territory of the Republic. And we continue to protect and defend the people of the Republic,” pahayag ng Pangulo sa ikalawang podcast interview nito.
Binigyang-diin ng Pangulo na hindi naman aniya nakikipag- away ang Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea subalit kailangang ipaglaban ang karapatan nito sa gitna ng panghaharang at iba pang harassment na ginagawa ng China sa mga Pilipinong mangingisda.
Muli ring pinanindiganan ni Pangulong Marcos na ni isang pulgada ng katubigang pag- aari ng Pilipinas ay hindi nito isusuko.
” Hindi naman tayo nakikipag-away. Pero huwag niyong binabangga yung mga mangingisda, hindi ba? Huwag niyo kaming hinaharang doon sa teritoryo namin. Iyon ipaglalaban talaga namin yan. Because kung ibigay mo yan, bibigay ng – like they say: You give them an inch, they will take a mile. So you cannot allow it even the one inch,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nais ng Pangulong Marcos na maalala ng mga Pilipino ang naging paninindigan ng kanyang Administrayon na ipinaglaban ang soberenya ng bansa lalo na ang isyu sa West Philippine Sea.