Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na makikita at mararamdaman ng mga Pilipino ang makabuluhan, konkreto at tunay na mga pagbabago sa nalalabing tatlong taon ng kanyang termino.
Sa ikalawang podcast interview ngPangulo, sinabi nitong sa mga posisyong hinawakan niya gobyerno ay may sinusunod siyang gabay na magsisilbing barometer o sukatan ng kanyang pagiging epektibong tagapag- silbi sa bayan.
Giit ng Pangulo, pinakamasahol na aniyang maituturing sa isang taga- gobyerno na naupo at mabigyan ng pagkakataong makapag- silbi subalit walang nagbago.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na hindi siya makapapayag na walang naramdaman na pagbabago ang taumbayan kaya sisikapin nitong bago matapos ang kaniyang termino sa 2028 ay mararamdaman at makikita ang pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.
Sa ngayon naka tutok ang Pangulo sa pagtugon sa problema sa transportasyon, bigas at iba pang mga isyu.