-- Advertisements --

Inaasahan ngayon ang nakatakdang kolaborasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Human Settlemnets and Urban Development (DHSUD) para sa pagppalawig ng housing support para sa mga mahihirap.

Sa naging pagpupulong ng dalawang ahensya nitong Huwebes, ipinaliwanag ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling at ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na maaring magkaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng dalawang departamento para sa pagbibigay ng housing support sa mga ilang pamilya na nasa lansangan at maging para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s).

Kasunod nito ay nagpasalamat naman si Aliling sa DSWD dahil sa pagiging bukas nito para sa pakikipagugnayan para sa mga pamilyang pilipinong nangangailangan ng tulong mula sa pamahalaan.

Samantala, humingi na ng listahan ang DHSUD sa DSWD para malaman kung sino-sino ang mga benepisyaryo na nangangailangan ng housing support sa pamamagitan ng mga transition shelters o maging ng mga permanenteng mga tahanan.

Layon din ng kolaborasyon na magkaroon ng alignment ang mga housing programs ng DHSUD sa komprehensibong datos ng mga indigent households ng DSWD para matiyak na makakaabot a mga vulnerable sectors ang housing assistance para sa kanila.