-- Advertisements --
Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na magsusumite sila ng kanilang kasagutan sa Office of the Ombudsman.
Dagdag pa ng bise presidente na inabisuhan na siya ng mga abogado nito at inihahanda na ang kasagutan.
Noong Hunyo 19 kasi ay inatasan ng Ombudsman ang Bise Presidente na sagutin ang mga kaso na inihain sa kaniya ng House of Representatives ukol sa hindi tamang paggamit ng confidential funds.
Mula pa noong nakaraang taon ay inihahanda na rin niya ang mga kasagutan sa impeachment trial laban sa kaniya.
Maging ang summons ng senado na may deadline ng Hunyo 23 ay inaasahan na magbibigay ng kasagutan ang Bise Presidente.