-- Advertisements --

Nagbanta si U.S. President Donald Trump na reresbak sakaling maglunsad ng pag-atake ang Iran laban sa Amerika.

” Any retalation by Iran against the United States of Amerika will be met with Force far greater than what was witnessed tonight,” pahayag ni US Pres. Donald Trump

Ito’y matapos naging matagumpay ang operasyon ng US Military na bombahin ang tatlong nuclear sites ng Iran.

Batay sa naging pahayag ni Trump maituturing na spectacular mlitary success ang nasabing operasyon.

Ipinagmalaki ni Trump na ang mga pangunahing pasilidad ng nuclear enrichment ng Iran ay ganap at lubos na nawasak.

Giit ni Trump ang Iran, ang bully sa Gitnang Silangan kaya panahon na para magkaroon ng kapayapaan.

Dagdag pa ni Trump kung ang kapayapaan ay hindi agad dumating, susundan ito ng Amerika ng iba pang mga target nang may tiyak, bilis at kakayahan.

Nagbanta din si Trump na magsagawa ng military action kung hindi makipag-ayos ang Iran ng kapayapaan sa Israel.