-- Advertisements --
Nanindigan ang Light Rail Transit Authority o LRTA na gagamitin sa pagpapabuti sa serbisyo at pasilidad ang kukulektahing dagdag na pamasahe sa mga commuters.
Ito ay bilang paliwanag na rin ng train management sa pag-taas ng pamasahe na una nang nagsimula ngayong araw.
Paliwanag ni LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera na aabot ng hangang sa P114 million ang kanilang makokolekta mula sa mga pasahero sa loob ng isang taon, sa ilalim ng bagong fare rate.
P110 dito aniya ay mapupunta sa operational maintenance at rehabilitation sa mga bagong tren.
Tiniyak naman ng Opisyal na magpapatuloy pa rin ang paghahanap nila ng mga paraan upang lalo pang mapagbuti ang serbisyo ng public train, para sa mga commuters sa kamaynilaan.
















