Umangal ang pinuno League of Provinces of the Philippines (LPP) sa hakbang ng Department of Health (DoH) na i-recall ang mga bakunang una nang naipadala sa mga lalawigan, para sa local frontliners.
Ayon kay LPP president at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr., kakaunti lang ang nakarating sa kanila, ganun din sa iba pang mga lugar, kaya kung maaari ay hayaan na lang itong magamit doon.
Una rito, iniutos ni Health Sec. Francisco Duque III na ibalik sa Metro Manila ang nasabing mga bakuna, para magamit sa medical workers na hindi nakatanggap ng supply sa unang bahagi ng vaccination program.
Pero nilinaw ni Duque na hiram lamang ito at ibabalik din sa oras na may sapat nang dami ng bakuna.
Dagdag pa ng kalihim, ang mga malalapit na probinsya lang sa Metro Manila ang kukunan ng bakuna, para hindi na kailangan pang bumyahe ng malayo.