-- Advertisements --
Nananatiling nakaalerto ang Pagasa sa development ng low pressure area (LPA) sa silangan ng Luzon dahil sa posibilidad na maging ganap itong bagyo.
Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, maaaring lumakas ang LPA sa mga susunod na araw.
Huli itong namataan sa layong 655 km sa silangan ng Infanta, Quezon.
Habang ang Palawan, Visayas at Mindanao naman ay apektado pa rin ng hanging habagat.
Posible ring makaranas ng mga biglaang buhos ng ulan ang iba pang parte ng bansa dahil sa localized thunderstorm.