-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tuluyang ipinatupad kagabi ang pre-emptive evacuation sa isang barangay nitong lungsod matapos makaranas ng pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan.

Isa sa lugar na apektado ang mga residente sa Mintal kung saan tumaas ang tubig sa creek kaya karamihan sa mga bahay ang lubog sa tubig-baha.

Kaagad naman inilikas ang ilang residente partikular na ang mga naninirahan sa Prk. 15 Mintal, Davao City.

Bagama’t hindi nagtagal ang mga residente sa evacuation center ngunit patuloy ang monitoring ng City Disaster Risk Reduction and Management Office lalo na at mararanasan pa rin ang mga pag-ulan sa lungsod.

Una nito, binaha rin ang ilang mga kalsada sa downtown area dahil pa rin sa pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area (LPA) na nakakaapekto sa ilang lugar sa Mindanao.