Nagpahayag ng kahandaan na magbigay ng seguridad ang Philippine National Police (PNP) sa mga ikakasang inspeksyon ng Department of Pulic Works and Highways (DPWH) sa mga flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, ang kanilang pagbibigay assistance ay para lamang matiyak na magiging maayos at paypa ang mga pagsusuri ng mga ahensya sa mga imprastrakturang ito.
Ani remulla, wala naming alam ang PNP pagdating sa pagbuo ng mga gusali at maging mga ganitong proyekto kaya naman babantayan na lamang ng oulisya ang mga banta sa tao na nakikita sa kasalukuyan.
Binigyang diin din ni remulla ang kahalagahan ng presensiya ng pulisya sa mga ganitong sitwasyon na layong makapaghatid ng isang matibay at mayos na seguridad sa mg ainspection activities.
Samantala, nauna naman na dito nitong Biyernes ay nanawagan na rin ng assistance mula sa Pambansang Pulisya ang DPWH sa pangunguna ni DPWH Sec. Vince Dizon.
Ani Dizon, hindi kasi kaya ng iisang ahensya ang pagcheck at pag-monitor ng mga proyekto sa dami nito kaya naman humihiling siya na tulong mula sa PNP at maging sa Armed Forces of the Philippines (AFP).