-- Advertisements --
Tuluyan nang naging tropical depression o bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa ulat, kaninang alas-2:00 ng hapon, ang namumuong sama ng panahon ay opisyal nang naging isang weather disturbance.
Patuloy itong tinututukan para sa posibleng epekto sa lagay ng panahon sa bansa.
Samantala, ang isa pang LPA na natira mula sa dating tropical depression Danas ay nananatiling nasa labas ng PAR at mababa ang posibilidad na muling maging tropical depression sa susunod na 24 oras.
Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at regular na mag-monitor ng mga official updates at maging handa sa anumang pagbabago sa lagay ng panahon.