-- Advertisements --
Mananatiling makulimlim na may paminsan-minsang pag-ulan sa malaking bahagi ng Eastern Visayas at Bocol region dahil sa panibagong low pressure area (LPA) na umiiral sa naturang lugar.
Paglilinaw ng Pagasa, hindi ito ang LPA na namataan kahapon, dahil nalusaw na ang naunang weather disturbance formation.
Huling namataan ang bagong namumuong sama ng panahon sa layong 365 km sa silangan ng Catarman, Northern Samar.
Sa pagtaya ng weather bureau, malabong maging bagyo ang nasabing LPA.
Samantala, patuloy naman ang pag-iral ng habagat na nakakaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao.