-- Advertisements --
Patuloy na binabantayan ng Pagasa ang isang low pressure area (LPA) sa rehiyon ng Mindanao.
Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 305 km sa silangan ng General Santos City.
Nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ), kaya hindi inaalis ang posibilidad na lumakas pa ang namumuong sama ng panahon.
Kabilang sa makakaranas ng ulan ang SOCCSKSARGEN, BARMM, Davao region, CARAGA, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.
Maaari namang ulanin ang extreme northern luzon dahil sa umiiral na frontal system.
Habang ang iba pang lugar sa bansa ay posible namang makaranas ng isolated thunderstorm sa hapon at gabi.