-- Advertisements --

Lumawak pa ang apektado ng mga pag-ulang dala ng binabantayang low pressure area (LPA).

Ayon sa ulat ng Pagasa, huli itong namataan sa layong 35 km sa timog-timog kanluran ng Alabat, Quezon.

Kabilang sa mga lugar na makakaranas ng ulan ang Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya at Pangasinan.

Inaalerto ang mga nasa low lying areas sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Habang may hiwalay ding pag-ulan sa extreme Northern Luzon, dahil naman sa pag-iral ng hanging habagat.