-- Advertisements --
Nananatiling mababa ang tyansa ng Low Pressure Area (LPA 10h) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na mabuo bilang isang ganap na bagyo sa loob ng 24 oras.
Sa ngayon, kumikilos ang naturang bagyo sa 260 kms silangan, timog-silangan ng Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon sa state weather bureau, patuloy na binabantayan ang posibleng paglakas nito sa mga susunod na araw ngunit sa ngayon, tanging mga pag-ulan ang inaasahang idudulot nito sa ilang lugar sa Southern Luzon, Visayas, at Minadanao.
Nananatili itong nakapaloob sa ilalim ng intertropical convergence zone (ITCZ) at nagdadala ng mga pag-ulan na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha sa siyam na rehiyon.
Kinabibilangan ito ang mga sumusunod:
- Region 4B (MIMAROPA)
- Region 6 (Western Visayas)
- Region 7 (Central Visayas)
- Region 8 (Eastern Visayas)
- Region 9 (Zamboanga Peninsula)
- Region 10 (Northern Mindanao)
- Region 11 (Davao Region)
- Region 12 (SOCCSKSARGEN)
- BARMM
















