-- Advertisements --

Mananatiling makulimlim hanggang sa may mga biglaang buhos ng ulan sa malaking parte ng Luzon dahil sa binabantayang low pressure area (LPA).

Ayon kay Pagasa weather specialist Chris Perez, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 95 km sa silangan timog silangan ng Casiguran, Aurora.

Sa ngayon, kabilang sa mga lugar na maaaring ulanin ay ang Metro Manila, iba pang bahagi ng Luzon at Western Visayas.

Pinalalakas kasi ng namumuong sama ng panahon ang hanging habagat mula sa West Philippine Sea.

Nananatili naman ang posibilidad na lalakas pa ito bilang bagong bagyo sa loob ng susunod na 48 oras.