-- Advertisements --

Nag-anunsiyo ang kumpanyang Petron na magtataas sila ng presyo ng kanilang Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Base sa abiso ng Petron, na mayroong P0.20 na pagtaas sa kada kilo ng LPG.

Katumbas ito ng dagdag na P2.20 sa kada 11 kilograms na cylinder.

Ang nasabing taas presyo ay epektibo ngayong 12:01 ng Setyembre 1.

Magugunitang noong Agosto ay nagbawas ng presyo ang Petron sa kanilang LPG na aabot sa P2.50 sa kada kilo.