-- Advertisements --

Pinaghahanda ng Pagasa ang mga residente ng Luzon at Visayas dahil sa inaasahang pag-ulan na dala ng binabantayang low pressure area (LPA).

Ayon kay Pagasa forecaster Samuel Duran, malaki ang tyansang maulit ang matinding buhos ng ulan kahapon sa ilang parte ng ating bansa.

Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 310 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Sa ngayon, maliit pa ang tyansa nitong maging bagong bagyo.

Hindi na rin umano gaanong makakaipon ng lakas ang naturang LPA dahil malapit na sa lupa.