-- Advertisements --

Nagbakasakali ang ilang repatriated overseas Filipino workers (OFWs) na makahanap ng bagong trabaho abroad sa inilunsad na malawakang job fair ngayong Labor Day, Mayo 1.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) USec. Dominique Rubia-Tutay, karamihan ng mga binuksang trabaho ay sa alternative markets, gaya na lamang sa Europa at Amerika upang mas maraming oportunidad at pagpipilian ng mga manggagawa lalo na ang mga skilled worker.

Gayunman, maaari pa ring mamili ang repatriates na bumalik sa mga bansa sa Middle East matapos ang giyera sa pagitan ng Iran at Amerika.

Ayon sa DMW official, nasa 2,000 job seekers ang nagpre-register online na kanilang prinayoridad, subalit in-accommodate rin ang walk-in applicants.

Mula sa 6,000 repatriated OFWs, sinabi ng DMW official na 19 na nagmula sa Middle East ang nag-preregister para sa job fair sa Ortigas.

Samantala, ni-refer naman na ang mga repatriated OFW sa mga employer sa pribadong sektor at ahensiya ng gobyerno para sa posibleng mapapasukang trabaho.