US EMBASSY, nagpaalala sa mga US nationals na iwasan ang Labor Day protests sa PH
LOOPS: US EMBASSY IN MANILA, LABOR DAY/RALLY,
Nagbabala ang United States Embassy in Manila sa mga Amerikanong nasa bansa na iwasan ang pagsali sa mga kilos-protesta ngayong Mayo 1, kasabay ng inaasahang malawakang Labor Day demonstrations sa Metro Manila.
Ayon sa advisory, maaaring ituring na paglabag sa immigration status ang pakikilahok ng mga dayuhan sa political protests. Tinatayang aabot sa 8,000 raliyista ang magtitipon sa iba’t ibang lugar tulad ng Mendiola, Liwasang Bonifacio, España Boulevard, at ilang bahagi ng Quezon City.
Sinang-ayunan naman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang babala, na nagsabing kahit mapayapa ang mga pagtitipon ay maaari itong mauwi sa tensyon o kaguluhan kapag lumaki ang bilang ng mga kalahok.
Binigyang-diin din ng task force na may dagdag na panganib para sa mga dayuhan, lalo na kung masangkot sila sa mga sitwasyong may legal at seguridad na implikasyon. Sa huli, pinaalalahanan ang lahat na maging maingat, lalo na sa malalaking pagtitipon na may kinalaman sa sensitibong isyu. (report by Bombo Jai)
















