-- Advertisements --
Inalerto ng US Embassy ang mga otoridad sa Pilipinas laban sa mga paglaganap ng mga pekeng visa at mga dokumento.
Ito ay matapos na isang aplikante ang naaresto matapos magpresenta ng mga pekeng dokumento.
Ayon sa US Embassy na kapag nakadiskubre sila ng mga pekeng dokumento mula sa Pilipinas ay agad nilang ipinapaalam ito sa mga otoridad sa bansa.
Ipinaalala nila na ang paggamit ng mga pekeng dokumento ay magreresulta sa lifetime ban para makapasok sa US.
















