-- Advertisements --

Inanunsyo ng US Embassy sa Pilipinas nitong Miyerkules na pinalawak ang requirement para sa mga visa applicants na ipakita ang kanilang social media accounts bilang bahagi ng aplikasyon.

Maalalang noon, ang patakaran ay para lamang sa mga estudyante at exchange visitors (F, M, at J visas) at mga H-1B specialty occupation workers kasama ang kanilang H-4 dependents.

Pero ngayon, saklaw na rin nito ang:

  • Fiancé(e) visa applicants (K-1, K-2, K-3)
  • Personal employees o domestic workers (A-3, C-3, G-5)
  • Trainee o special education exchange visitors (H-3 at H-4 dependents)
  • Cultural at religious visitors (Q, R-1, R-2)
  • Informants, witnesses, at biktima ng krimen (S, T, U)
Screengab from U.S. Embassy in the Philippines / FB

Ayon sa embahada, ginagamit ang social media upang masuri kung karapat-dapat ang isang aplikante para bigyan ng visa.
Kinakailangang ilista ng aplikante ang lahat ng usernames o handles na ginamit sa nakalipas na limang taon at siguraduhing nakaset sa “public” o “open” ang kanilang privacy settings.

Binigyang-diin ng embahada na ang hindi pagbigay ng tamang impormasyon sa social media ay maaaring magresulta sa ”visa denial” at makaapekto sa mga susunod na visas application.

Aniya, mahalaga ang hakbang na ito upang masiguro na ang mga aplikante ay hindi banta sa mga Amerikano o sa pambansang interes ng Estados Unidos at gagamitin ang visa para sa isang legal na proseso.

Paalala rin ng US Embassy na ang pagsasama ng social media sa visa application forms ay required na mula pa noong 2019.