-- Advertisements --

Ipinagpatuloy ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdadala ng tulong at serbisyo sa iba’t ibang rehiyon sa gitna ng epekto ng global economic challenges. Kabilang dito ang pamamahagi ng subsidized rice sa mga mahihirap na sektor at pagpapatupad ng Local Government Support Fund para direktang makatulong sa mga komunidad.

Kasabay nito, inilunsad ang mga job fair sa buong bansa na nagbukas ng libo-libong trabaho, bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na palakasin ang employment at income opportunities. Ayon sa datos, milyon-milyong job seekers na ang natulungan mula 2022.

Sa agrikultura, pinasinayaan din ang irrigation project sa Leyte na inaasahang magpapataas ng ani at kita ng mahigit 1,800 magsasaka. Tinalakay rin ng Pangulo ang energy security at international cooperation sa pakikipagpulong sa mga dayuhang opisyal.

Sa kabuuan, binigyang-diin ng Malacañang na ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na layunin na gawing mas accessible ang serbisyo ng gobyerno at tugunan ang agarang pangangailangan ng mamamayan habang isinusulong ang long-term development. (report by Bombo Jai)