-- Advertisements --
Patuloy na inaaral ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang pagtanggal ng US ng kanilang sundalo na nasa Germany.
Ayon kay NATO spokesperson Allison Hart, kumukuha pa sila ng ilang detalye kung ano ang nag-udyok sa US na tanggalin ang nasa 5,000 na mga sundalo nila.
Ang nasabing pagtanggal ng US ay dahil sa hindi sumuporta ang Europa sa US at Israel sa paggiyera nila sa Iran.
Tinawag din ni US President Donald Trump ang NATO bilang “paper tiger” at walang kuwenta.
















