Tuloy ang posibleng huling pagdinig sa dalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, Abril 29, ayon kay House Committee on Justice chair Gerville Luistro.
Ito ay sa kabila pa ng mga petisyon para ipatigil ang impeachment hearing.
Ayon sa mambabatas, nakadepende sa mgaa miyembro ng justice panel kung kanilang ikokonsidera ang inihaing reklamo sa korte para sa kanilang pagdetermina ng probable cause.
Subalit pagdating aniya sa kanilang proceeding, ipagpapatuloy nila ang kanilang pagdinig at tatapusin ito sa pagtukoy ng probable cause sa impeachment complaints.
Una rito, noong araw ng Lunes, naghain ang kampo ng asawa ni VP Sara na si Atty. Manases Carpio ng reklamo laban kay Luistro at iba pang miyembro ng Justice panel sa Quezon City Prosecutor’s Office may kaugnayan sa umano’y paglabag ng Bank Secrecy Law, Data Privacy Act, at Anti-Money Laundering Act dahil sa pagsisiwalat ng bank transactions nilang mag-asawa sa impeachment hearing noong Abril 22.
















