-- Advertisements --
Binabantayan ngayon ng mga eksperto ang isa na namang low pressure area (LPA) sa labas ng PH area of responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 1,300 km sa silangan ng Southern Luzon.
Sa ngayon ay may “medium” chance na maging bagong bagyo sa loob ng susunod na 24 hours.
Kung magiging bagyo, tatawagin itong tropical depression Paolo na ika-16 na sama ng panahon para sa taong 2025.
Inaalerto ang Bicol at Eastern Visayas na maging handa sa paglapit ng naturang weather disturbance formation.