Nilinaw ng Pagasa na walang umiiral na bagyo sa bansa, sa kabila ng malakas na buhos ng ulan sa Bicol at Visayas.

Ayon sa weather bureau, huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 150 km sa kanluran timog kanluran ng Dumaguete City, Negros Oriental.

Asahang magdadala ito ng maulap na panahon hanggang sa may mga pag-ulan sa Metro Manila, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol, Visayas at Mindanao.

Maaari ring makaranas ng biglaan at malakas na ulan sa extreme Northern Luzon at iba pang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorm.