LOTTO PCSO
PCSO LOTTO

Hindi pa man pormal na nakakabalik ang kanilang operasyon bukas ay bukas din sususpendehin ng Philippe Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang operasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Kabilang dito ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.

Epektibo bukas ay suspendido na sa mga lugar ang instant sweepstakes tickets, Keno at lotto operation.

Una rito, sinabi ng PCSO na all set na ang kanilang operasyon bukas na kinabibilangan ng jackpot-bearing games Regular Lotto 6/42, Super Lotto 6/49, Mega Lotto 6/45, Ultra Lotto 6/58 att Grand Lotto 6/55.

Una rito, sinabi ni PCSO General Manager Royina Marzan-Garma na ang resumption ng lotto games ay para lamang sa mga areas na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

Nangako naman ang PCSO na susunod ang mga ito sa health protocols na inilabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) gaya ng physical distancing at pagsusuot ng face mask.